Tagalog News: Surigao del Norte PPO nakikiisa sa programang ‘barangayanihan’

LUNGSOD NG SURIGAO, Hunyo 3 (PIA) -- Dahil sa nararanasang krisis dulot ng pandemya, isinusulong ng Surigao del Norte Provincial Police Office (PPO) ang programang ‘Barangayanihan Help’ o ‘Bayanihan’ sa barangay at food bank.

Layunin nitong makatulong sa mamamayan lalung-lalo na sa panahon ngayon na limitado ang galaw dahil sa ipinapatupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod ng Surigao at ilang mga munisipyo sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Libreng makukuha sa nasabing food bank ng kapulisan ang food at non-food items kagaya ng bigas, kape, gatas, asukal, gulay, itlog, canned goods, noodles, sabon, at iba pang essential goods na makakatulong upang masuportahan ang pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

“Barangayanihan is part of the police community program that would enhance the bayanihan spirit of helping one another specially this time of COVID-19. Ang hangarin ng proyektong ito ay paigtingin ng inyong kapulisan ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay ng tulong sa ating community,” sabi ni PCol. Noel C. Espinoza, provincial director ng Surigao del Norte PPO.

Ayon kay Espinoza, layunin din nito na hikayatin ang iba pang stakeholders sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay tulong sa mga kababayan.

“Sa ngayon, mayroon na po tayong naitalang 176 na barangayaihin actvities na ginawa ng iba’t ibang police station na nassakupan ng Suriao del Norte PPO sa buwan lamang po ng Mayo at mayroon naring 3,036 na natulongan ng programa,” ani PCol. Espinoza.

Namimigay din ang ating kapulisan ng mga leaflets bilang parte ng kampanya laban sa anti-terrorism at pagbabakuna laban sa COVID-19 upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang publiko.

Saklaw ng barangayanihan ang lahat ng police community relations support na mga aktibidad na nagbibigay diin sa tunay na kahulugan ng Philippine National Police (PNP) motto na “to serve and protect.”

“Nagpapasalamat po kami dahil sa gitna ng kahirapang tinatamasa naming ngayon dulot ng pandemya  ay nabigyan pa rin kami tulong. Salamat karajaw!” pahayag ni Luzviminda Anario, residente ng barangay Punta Bilar, Surigao City.

Samanatala, nanawagan at umapila pa rin sa mga Surigaonon ang Surigao del  Norte PPO na makipagtulungan sa otoridad; sumunod sa mga alintuntunin at health protocols; at manatili nalang sa tahanan kung kinakailanagn para maiwasan ang paglaganap nga virus.

“Umasa po kayo na ang inyong kapulisan sa buong Surigao del Norte ay laging handa at patuloy na tatangkilikin ang mga programa para matulungan ang ating mga kababayan lalo na ngayong apektado ang lahat sa pandemya. Patuloy pa tayo sa pagsunod sa itinakdang curfew hours nang sa ganun ay hindi po tayo malagay sa alangaanin. Umasa po kayo na patuloy po ang pamimigay namin ng mga alcohol at face masks,” sabi ni PCol Espinoza.

Sa ngayon ay mahigpit na ipanapatupad ng kapulisan sa probinsiya ang  monitoring at checkpoints. (VLG/PIA-Surigao del Norte)

 

#Barangayanihan #SurigaoDelNortePPO

 

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments