Tagalog News: Pagbabakuna ng second dose ng Pfizer tuloy ngayong araw sa Makati Med

Pagbabakuna ng unang dosis ng Pfizer vaccine sa Makati Medical Center (PIA NCR file)

PASIG CITY, Hunyo 3 (PIA) -- Magpapatuloy ngayong araw ang pagbabakuna ng ikalawang dosis ng Pfizer kontra COVID-19 sa Makati Medical Center sa Lungsod Makati.

Ito’y matapos inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang pagka-antala ng pagbabakuna dahil sa aberya.

Ayon sa lokal na pamahalaan, pansamantalang natigil ang bakunahan dahil sa hindi pagka-deliver ng AD syringe na kinakailangan para sa Pfizer vaccine.

Ibinahagi rin ng lungsod ang ilang hotline numbers nito para sa mga katanungan hinggil sa pagbabakuna:

  • 8870-1082
  • 8870-1443
  • 8870-1083
  • 8870-1084
  • 8870-1454

Samantala, inanunsiyo ng vaccine expert panel ng Pilipinas na posible ring mag-apply ng emergency use authorization (EUA) ang Pfizer at Moderna para mabakunahan ang mga menor de edad.

"So iyong sa 12 to 15 [years old] ay aprubado na nga sabi ninyo sa Amerika, hintayin na lang po natin na mag-apply sila ng EUA sa atin. Actually, this is an amendment to the EUA that we already have," sabi ni Dr. Nina Gloriani, chairperson ng panel.

Kapuwa naman nagsasagawa ngayon ng mga pag-aaral ang Pfizer at Moderna para sa posibleng pagbabakuna ng mga sanggol na nasa 6 buwan hanggang sa mga batang edad 11.

 Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 milyon ng populasyon nito bago matapos ang taon para makamit ang herd immunity. Sa huling tala, umabot na sa 2.5 milyon dose ang na-administer sa bansa. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments