Tagalog News: Libreng tricycle service para sa Vax OTG, handog ng Makati LGU

Ang Vax OTG program ng Makati City kung saan maaari nang makapagparehistro para sa libreng tricycle service. (My Makati Facebook Page) 

LUNGSOD PASIG, Hunyo 4 (PIA) -- Magandang balita! Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang libreng tricycle service para sa magpapabakuna kontra COVID-19. 

Sa pamamagitan ng Vaccine On-the-Go (Vax OTG) na matatagpuan sa Ayala Malls Circuit, maaaring makapagparehistro sa libreng tricycle service para sa Vax OTG.

Pumunta lamang sa www.proudmakatizen.com, pindutin ang COVID-19 registration, mag-register, pindutin ang Vax-OTG at ipasok ang confirmation number.

Kayo ay susunduin ng tricycle sa address na inyong inilagay sa portal.

Nitong Mayo, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang Vax OTG, sa pakikipagtulungan sa Ayala Malls Circuit, para sa drive thru vaccination site para sa mga may kapansanan (PWDs) at mga bedridden na residente ng lungsod. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments