Tagalog News: Pasig LGU, inilunsad ang Malusog na Batang Pasigueño

LUNGSOD PASIG, Mayo 27 (PIA) -- Inilunsand ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang programang “Malusog na Batang Pasigueño” para sa mga mag-aaral ng siyudad.  

Kuha mula sa Mayor Vico Sotto Facebook Page

Inilunsad natin ngayong buwan ang MALUSOG NA BATANG PASIGUEÑO - kung saan makakatanggap ng isang Nutrition Food Pack kada buwan ang 147,484 mag-aaral sa Pasig (mula sa mga pampublikong elementarya at high school, SPED, at pati community-based ALS),” ibinahagi ni Pasig City Mayor sa kaniyang Facebook Page.

Ayon kay Mayor Vico, bukod sa masustansyang pagkain, may kasama ring vitamins ang food packs na makatutulong sa tamang nutrisyon ng mga kabataan.

Ang tamang nutrisyon ay susi sa maayos na pisikal at mental development ng isang bata,” ani Sotto.

Dagdag pa ng punong lungsod na sana’y makatulong ang food packs sa mga kabataan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nakaka-miss nga lang ang mga bata sa programa (PTA lang muna ang kasama sa launching). Sana makatulong ito sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na ngayong pandemya.. higit sa lahat para maipagpatuloy ng bawat Batang Pasigueño ang kanilang pag-aaral.” (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments