Tagalog News: Paalala ng Pasig LGU, bawal pa rin ang walk-in sa vaccination sites

LUNGSOD PASIG, Mayo 19 (PIA) -- Muling pinaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang publiko na ipinagbabawal ang walk-in sa mga vaccination sites. 

Ayon sa pamahalaang lungsod, ito ay para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at mapanatili ang social distancing sa vaccination sites.

“Hintayin ang SMS Advisory mula sa PASIGBAKUNA para sa inyong schedule at venue.”

Samantala, paalala rin sa mga nabakunahan ng first dose na kumpletuhin ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine para maging mas protektado laban sa virus at alamin kung kailan dapat mabakunahan ng second dose.

Siniguro rin ng pamahalaang lungsod na naka-record sa Pasig Health Monitor (PHM) kung kailan unang nakatanggap ng first dose at nakaprogram din kung kailan mababakunahan para sa second dose.

“Katulad ng schedule ng first dose, kayo ay makakatanggap ng SMS advisory kung kailan at saan kayo mababakunahan ng inyong second dose.”

Para sa updates, bisitahin lamang ang Pasig City Public Information Office Facebook page https://www.facebook.com/PasigPIO. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments