Tagalog News: Makati Science isolation facility, bukas na

Ang bagong bukas na isolation facility sa Makati Science. (Kuha mula sa PRC)

LUNGSOD PASIG, Mayo 20 (PIA) -- Bukas na ang isolation facility na matatagpuan sa Makati Science matapos malagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Makati at Philippine Red Cross (PRC). 

Sa isang virtual ceremony, pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay at PRC Chairperson, Senator Richard Gordon ang paglalagda ng naturang kasunduan.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Abby sa Red Cross at kay Sen. Gordon sa pakikipag-partner sa lungsod para sa proyektong ito.

Ang bagong isolation facility ay may 56-bed capacity at mayroon ding family room para sa mga pamilyang nangangailangang ma-admit sa facility.

“The battle against COVID-19 is far from over; this action by the PRC along with the different LGU’s in Metro Manila is to separate the asymptomatic spreaders to prevent the spread of the virus and beat this invisible enemy,” pahayag ni PRC Chairperson Gordon.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies at Netherlands Red Cross. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments