Tagalog News: Mahahalagang pamana ng Surigaonon tampok sa exhibit sa Surigao City

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Mayo 24 (PIA) -- Tampok sa pagdiriwang ng National Heritage Month sa Surigao City ang cultural display na pagbabalik tanaw sa mga mahahalagang pamana ng Surigaonon.

Nais ipabatid ng Surigao City Tourism and Cultural Affairs sa publiko ang kahalagahan ng mga lumang kagamitan na naging malaking parte noon ng buhay ng mga Surigaonon.

Layunin ding palakasin at palawakin ang kamalayan sa pangangalaga at promosyon ng kultura ng Surigao, at pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.

“We make it a point that people, especially the Surigaonons will become more aware of our heritage. We do encourgae them to preserve our heritage that’s why we intend to showcase or display some  of the Surigaonon cultural properties which we have discovered during our cultural mapping in the different barangays of the city,” sabi ni Roselyn Armida B. Merlin, hepe ng Surigao City Tourism Office.

Kabilang sa cultural display ang ‘tadjaw,’ mga banga, at iba pang heritage properties at items na iniingatan at nai-preserve ng mga Surigaonon sa mahigit limampung taon na.

“This has become a treasure of Surigaonons. So, we do encourage people to come and visit these display at the Luneta Park at the ground floor of Surigao Reading Hub Center,” ani Merlin.

Bahagi ng selebrasyon ng heritage month ang kumpetisyon sa pagpinta para sa mga high school students.

Ang “Pintal Surigaonon” ay sinalihan ng mga contender galing sa Canlanipa National High School, Taft National High School, Surigao City National High School, at Caraga Regional Science High School.

Samantala, isang online songwriting competition naman para sa mga elementary students na sinalihan ng mga kalahok ng Navarro Memorial Central Elementary School, B. Vasquez Memorial Central Elementay School, Talisay Elementary School, Special Science Elementary School, Surigao City Pilot School, at Mariano Memorial Elementary School.

“As young Surigaonons, we are happy and grateful because this exhibit has showcased our rich tangible cultural heritage. Magandang paraan ito para mas lalo pang mapahalagahan ang mga ito,” sabi ni Bruce P. Custodio, mag-aaral ng NEMCO.

Sa gitna nitong pandemya, pinapaalalahanan muli ng lokal na pamahalaan ng surigao ang publiko na patuloy pa rin sa pagsunod sa health protocols. (VLG/Susil D. Ragas/PIA-Surigao del Norte)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments