Tagalog News:  JICA projects, ipinagkaloob sa mga magsasaka ng Nueva Vizcaya

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Mayo 20 (PIA) - Ipinagkaloob kamakailan ng mga kawani ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga infrastructure projects na pakikinabangan ng mga upland farmer sa tatlong bayan ng Nueva Vizcaya.

Ang mga nasabing proyekto ay ang mahigit P1.7 million na 1.735 kilometers - Access Road sa barangay Canabay sa bayan ng Dupax del Sur, ang mahigit P17.9 million na 5.07-kilometer Tire Path sa barangay Nantawakan sa bayan ng Kasibu, ang 9.855 - Kilometer na Irrigation Pipeline System sa barangay Buyasyas sa bayan ng Kayapa at ang Steel Hanging Bridge sa barangay Banila sa bayan ng Dupax del Sur.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Edgar Martin, ang mga nasabing proyekto ay pinondohan mula sa loan ng national government at JICA at isinagawa ng DENR upang mabigyan ng daan ang mga upland farmer na katuwang ng ahensiya sa pagpapanatili ng mayabong na kabundukan sa pamamagitan ng kanilang pagtatanim ng mga gulay at punongkahoy.

Umaasa si Martin na masisiyahan ang mga upland farmer na pag-ibayuhin ang kanilang pamumuhay sa mga nasabing komunidad habang tumutulong sa proteksiyon ng kalikasan sa lalawigan.(MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments