Tagalog News: Ilang alkalde sa Romblon, nakatanggap na ng Covid-19 vaccines

Ayon sa San Andres Public Information Office, Astrazeneca vaccines ang natanggap ni Mayor Lolong Gadon ng San Andres. (Larawan mula sa San Andres Public Information Office)

ODIONGAN, Romblon, Mayo 23 (PIA) -- Nabakunahan na noong Mayo 20 ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 ang ilang alkalde sa probinsya ng Romblon, kabilang na ang mga alkalde ng bayan ng Corcuera, Simara Island at San Andres sa Tablas Island.

Ayon sa San Andres Public Information Office, Astrazeneca vaccines ang natanggap ni Mayor Lolong Gadon ng San Andres.

Astrazeneca vaccine rin ang naiturok kay Corcuera Mayor Elmer Fruelda na naghihikayat sa publiko gamit ang kayang social media account na magpabakuna rin ng Covid-19 vaccine.

Matatandaang ang mga municipal mayors, city mayors, at mga provincial governors ay ibinilang sa bagong priority group na inaprubhan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, ang A1.5 priority group.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay magpapabakuna na rin ang iba pang alkalde sa probinsya. (PJF/PIA Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments