Tagalog News: Defensive driving, maintenance online training handog ng TESDA NCR

LUNGSOD PASIG, May 20 (PIA) -- Magandang balita! Handog ng Technical Education and Skills Development Authority National Capital Region (TESDA NCR), sa pamamagitan ng TESDA MuntiParLasTaPat District Training and Assessment Center ang isang libreng online training program.

Ang libreng online training para sa defensive driving and preventive maintenance ay gaganapin sa May 21 (Biyernes), 9 a.m.

Para sa mga interesado at gustong makilahok sa nasabing training, mag register sa https://forms.gle/CgBTVTJ2vkBnq18WA.

Ibinahagi naman ng TESDA ang admission requirements para sa driving NCII course nito sa mga lugar na available ang training:

  • NSO/PSA Birth Certificate; NSO Marriage Certificate for married female trainees
  • Atleast Elementary Graduate
  • Able to read and write
  • Physically and mentally fit
  • 18 years old and above
  • Barangay clearance
  • 4 pcs passport and 1x1 size picture (with collar, nametag, white background, chemical print)

Patuloy ang TESDA sa pagbibigay ng mga skills at livelihood trainings sa gitna ng mga hamon na dala ng pandemya. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments