Benepisyaryo ng Service Contracting Program, nagpapasalamat sa DOTr, LTFRB

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Mayo 8 (PIA) - - - Nagpapasalamat ang mga benepisyaryo ng Service Contracting Program dito sa rehiyon sa Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Oliver Unciano, isang drayber ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) na benepisyaryo ng nasabing programa, malaki ang naitulong nit√∂ sa kanilang mga drayber na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dulot ng COVID-19 sa bansa. 

“Malaki po ang naitulong ng Service Contracting Program sa amin, sa mga pasahero allo na ang mag frontliner,” ani Unciano.

“Dahil sa pandemiya hindi sapat ang aming kinikita, sa tulong ng Service Contracting Program may kinikita kami para pantawid sa araw-araw na pangangailangan ng amine pamilya,” dagdag niya.

Ayon naman kay LTFRB Regional Director Edward Cabase, layon din ng programa na mapabuti ang kakayahan ng ating pampublikong transportasyon na makapagbigay ng dekalidad at ligtas na serbisyo sa mga pasahero nito. 

“Bukod pa rito, ang Service Contracting Program ay magbibigay ng libreng sakay sa ating mga healthcare frontliners na patuloy na lumalaban sa COVID-19,” ani ni Cabase. (MDCT/PIA-2)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments