Tagalog News: Vaccine roll-out sa mga Senior Citizens sa Balanga sinimulan na

LUNGSOD NG BALANGA, Abril 13 (PIA) -- Sinimulan na ang vaccine roll-out sa mga senior citizens sa lungsod ng Balanga.
 
Ito ay sa pangunguna ng City Health Office katuwang ang mga Rural Health Unit at mga Barangay Health Emergency Response Team.

Sinimulan na ang vaccine roll-out sa mga senior citizens sa lungsod ng Balanga. (1Bataan)

Ayon kay Governor Albert Garcia, 3,110 mula sa kabuuang bilang na 9,328 senior citizens sa Balanga ang sumang-ayon nang mabakunahan at nabigyan na ng takdang araw ng pagbabakuna.

Matatagpuan ang iskedyul ng pagbabakuna sa bawat barangay sa COB News Network Facebook Page ng lungsod. (CLJD/CASB-PIA 3)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments