Tagalog News: Taguig nagbukas ng karagdagang  vaccination site sa Western Bicutan, SM Aura 

Kuha mula sa Taguig PIO

LUNGSOD PARAÑAQUE, Abril 16 (PIA) -- Nagbukas ang Pamahalaan Lungsod ng Taguig ng karagdagang vaccination site sa Western Bicutan at SM Aura upang mapalawig ang rollout ng vaccination program ng siyudad. 

Ang pang-apat na Community Vaccine Center ay pinasinayaan sa Western Bicutan National High School nitong ika-13 ng Abril. Kasunod nito ay ang pagbukas ng panggatlong  Mega Vaccination Hub na matatagpuan sa Samsung Hall ng SM Aura sa Bonifacio Global City nitong ika-14 ng Abril, 2021. 

Ang lugar na dating pinagdadausan ng iba’t ibang okasyon at pagtatanghal ay ngayo’y dinarayo ng mga residente ng lungsod upang makakuha ng karagdagang pananggalang laban sa COVID-19 (coronavirus disease). 

Ang pagbubukas ng karagdagang  vaccination sites ay makatutulong sa pagpapalaka s ng vaccination rollout ng lungsod.  

Bukod sa Western Bicutan at SM Aura vaccination site, mayroong dalawang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area at Vista Mall Parking Building. 

Mayroon ding tatlong Community Vaccine Centers sa RP Cruz Elementary School, Maharlika Elementary School, at EM’s Signal Village Elementary School na patuloy ang pagbabak una sa mga residente ng Taguig.

Patuloy ang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan sa mga health workers, senior citizens, at mga taong may karamdaman.

Bukod sa pagbubukas ng karagda gang vaccination sites, sinisigurado ng pamahalaang lokal na ang proseso ng pagbabakuna ay batay sa mga panuntunan, at makakapagbigay proteksyon sa mga sektor na nangangailangan.

"The city continues to vaccinate those who are in categories A1, A2, at A3. We prioritize them because they are the most vulnerable sector. These are the most vulnerable sectors that if infected, there are high chances that they will experience severe symptoms,” ani Mayor Lino Cayetano. 

Sa huling tala ng lokal na pamahalaan nitong  April 12, mayroong 17,375 nang nabak unahan laban sa COVID-19. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments