Tagalog News: Pasig LGU, nagtayo ng temporary holding area para sa mga COVID-19 patients

Pasig City Mayor Vico Sotto Facebook Page

LUNGSOD PASIG, Abril 8 (PIA) -- Nagtayo ng temporary holding area ang Pamhalaang Lungsod ng Pasig para sa mga may moderate cases ng COVID-19.

“These are very difficult times... Puno ang mga Ospital. Ang hirap makahanap ng bakante sa ospital, kahit sa mga kalapit nating lungsod/probinsya. Minsan hindi na makahinga ang pasyente, pero higit sa 2, 3 oras naghahanap ng mapagdadalhan ang ambulansya natin,” ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook page.

Ayon kay Sotto, ang temporary holding area ay bahagi ng tugon sa matinding problema dulot ng pandemya.

“Ito po ay isang bahagi ng tugon natin sa matinding problema.. kukulangin pa rin siguro, pero makakatulong kahit papaano: nag set up tayo ng TEMPORARY HOLDING AREA na parang extension ng ER. Para po ito sa mga moderate cases na hindi pa kayang tanggapin ng mga ospital.”

Aniya, ang temporary holding area, sa ngayon, ay may lima (5) kama, medical management (medicines, basic equipment and supplies, doctors and nurses), at adjusted protocols/medical control.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Sotto sa mga healthcare frontliners sa patuloy nilang pagbibigay serbisyo sa publiko.

“Salamat, mga healthcare frontliners, dahil hindi kayo sumusuko. Special mention to our Pasig Emergency Unit for stepping up and taking on this new task. Malayo sa ideyal ang mga pangyayari sa ngayon, pero kakayanin natin ito,” dagdag pa ng puong lungsod. (PIA NCR) 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments