Tagalog News: Pamamahagi ng financial assistance sa Marikina, nagsimula na

LUNGSOD PASIG, Abril 9 (PIA) -- Nagsimula na ang pamamahagi ng ayuda para sa mga taga lungsod Marikina na nabibilang sa low-income families na naapektuhan ng pagbabaling ng Metro Manila sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). 

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga benepisyaryo ay base sa itinakdang listahan ng Department of Social Welfare and Development at Department of the Interior and Local Government sa kanilang Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2021, kasama ang Department of National Defense.

Batay sa regulasyon, ang cash assistance ay nakabase sa bilang ng miyembro ng pamilya, isang libong piso (1,000) kada isang miyembro ngunit hindi lalampas sa apat na libong (4,000) piso kada pamilya.

Ang listahan ng mga benepisyaryo at schedule ng distribution ay iaanunsyo sa Marikina PIO Facebook  Page: https://www.facebook.com/MarikinaPIO,

Marikina Website: https://marikina.gov.ph/ at ipapaskil sa eskwelahan ng Barangay kung saan magaganap ang distribusyon.

Para sa nakabilang sa Listahan ng Benepisyaryo, itinatagubili na magdala ng mga sumusunod sa pagkuha ng ayuda: valid na ID na may lagda at dalawang (2) photocopy ng valid ID na may tatlong (3) lagda sa bawat kopya.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan po sa ECQ financial Assistance Hotline sa mga numerong: 0945 692 9472 (Globe); 0928 900 2322 (Smart); 0907 026 1962 (TNT). (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments