Tagalog News: Marikina Mayor Marcy Teodoro, pinamamadali na ang pamamahagi ng ayuda

LUNGSOD PASIG, Abril 12 (PIA) -- Pinamamadali na ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pamamahagi ng financial assistance para sa mga naapektuhan ng muling pagsasailalim sa istriktong community quarantine ng National Capital Region.

Ayon sa Marikina Public Information Office (PIO), ipinag-utos ni Mayor Marcy na ipamahagi ang naturang financial assistance sa loob lamang ng apat na araw, simula ngayong araw, ika-12 ng Abril hanggang sa Huwebes, ika-15 ng Abril sa mga sumusunod na petsa, barangay at lugar:

  • Abril 12: Concepcion Dos (SSS Village Elementary School)
  • Abril 13: Concepcion Uno (Concepcion Elementary School); Tumana (Concepcion Integrated School, H. Bautista Elementary School); Marikina Heights (SSS Village Elementary School); Sta. Elena (Marikina Elementary School); Jesus Dela Peña (Leodegario Victorino Elementary School)
  • Abril 14: Sto. Niño (Sto. Niño Elementary School); Barangka (Barangka Elementary School); Tañong (Tañong High School); IVC (IVC Elementary School); Malanday (Malanday Elementary School, Malanday High School)
  • Abril 15: Nangka (Nangka Elementary School, Nangka High School); Parang (Parang Elementary School, Parang High School); Fortune (Fortune Elementary School, Fortune High School)

Samantala, nauna namang naipamahagi ang financial assistance para sa mga benepisyaryo ng Barangay Kalumpang at San Roque.

Para sa nakabilang sa listahan ng benepisyaryo, paalala ng pamahalaang lungsod na magdala ng mga sumusunod sa pagkuha ng ayuda: valid na ID na may lagda at dalawang (2) photocopy ng valid ID na may tatlong (3) lagda sa bawat kopya.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa ECQ financial Assistance Hotline sa mga numerong: 0945 692 9472 (Globe); 0928 900 2322 (Smart); 0907 026 1962 (TNT).

(PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments