Tagalog News: Marikina LGU, hindi na tatanggap ng walk-in para sa bakuna simula Lunes

Marikina PIO Facebook Page

LUNGSOD PASIG, Abril 10 (PIA) -- Simula sa darating na Lunes, Abril 12, hindi na tatanggap ng walk-in ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa mga magpapabakuna kontra .

Ayon sa Marikina Public Information Office (PIO), isinasagawa ang online registration upang ma-identify at ma-validate ang medical eligibility ng mga tatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Upang masiguro ang KAAYUSAN at KALIGTASAN ng mga pumupunta sa vaccination center (Marikina Sports Center), muling pinapaalala na tanging mga naka-SCHEDULE na babakunahan lamang ang papayagan sa loob ng vaccination site, HINDI NA PO TATANGGAP NG WALK-IN, simula Lunes, April 12, 2021.”

Ang registration links base sa kategorya ay ang mga sumusunod:

- Para sa Senior citizens (A2) https://bit.ly/2R6k2gr

- Para sa Senior citizens who are bedridden (A2.2) https://bit.ly/3cVUWJN

- Para sa Persons with Comorbidities (A3) https://bit.ly/2PAxDwl

- Para sa ALL other categories https://bit.ly/31XxoxH

Samantala, nagsimula na rin ang pamamahagi ng financial assistance para sa mga taga lungsod na naapektuhan ng muling pagsasailalim ng Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ). (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments