Tagalog News: Magkakasunod na sunog sa SurSur ikinaalarma ng BFP

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur, Abril 7 -- Ikinaalarma ng punong-opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Rehiyon ng Caraga ang naitalang bilang ng malalaking insidente ng sunog sa Surigao del Sur, makaraang masundan pa nang panibago dito sa lungsod noong Sabado Santo, Abril 3.

Hindi kaila kay BFP Caraga Regional Director FSSupt. Fred Trajeras, Jr. na umabot na sa kabuuang anim ang naitala sa taong kasalukuyan. 

Mula sa naturang bilang, dalawa ang nangyari sa loob ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso—isa sa bayan ng Barobo (March 28) habang isa sa lungsod ng Tandag kung saan dalawang magkapatid na bata ang namatay (March 17).

Bunga nito ay sinabing magsasadya siya mismo dito sa lalawigan upang mapag-alaman kung ano ang mga nagbunsod sa pangyayari. (Greg Tataro, Jr./DXJS Radyo Pilipinas-Tandag/PIA-Surigao del Sur)

 

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments