Tagalog News: Maghintay ng text ang magpapabakuna kontra COVID-19 -Makati LGU

LUNGSOD PASIG, Abril 11 (PIA) -- Muling nagbigay paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Makati sa lahat ng nakarehistro sa #BakunaMakati na hintayin lamang ang SMS o text mula sa BAKUNAMKT.

Sa lahat ng naka-rehistro sa #BakunaMakati, antayin lamang ang SMS mula sa BAKUNAMKT. Mag-ingat sa mga pekeng mensahe na mula sa mga hindi awtorisadong numero na naglalaman ng inyong schedule ng pagpapabakuna.”

Paalala rin ng pamahalaang lungsod ang mga sumusunod:

·        I-save, i-screenshot o isulat ang confirmation number.

·        Isang confirmation number para sa isang tao lamang (Hindi mabibigyan ng bakuna ang walang confirmation number).

·        Bawal ang walk-in. Ang mga nagparehistro na may confirmation number lamang ang papapasukin.

Dagdag paalala rin na ang schedule nang pagbabakuna ay nakadepende sa supply ng bakunang darating.

Para sa mga katanungan, maaring tumawag sa telepono bilang 8870- 1442, 8870-1443, 8870-1444, at 8870-1447. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments