Tagalog News: Iwasan munang magtungo sa OsMak OPD

LUNGSOD PASIG, Abril 16 (PIA) -- Panawagan ng Ospital ng Makati (OsMak) sa mga residente ng Lungsod Makati, iwasan munang magtungo sa outpatient department (OPD) ng naturang pagamutan. 

Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Makati, ito ay upang makaiwas sa COVID-19 transmission at upang mapanatili ang kaligtasan.

Paalala pa nito, tumawag muna sa contact numbers ng OsMak, mula 8 a.m. hanggang 4:30 p.m.

Para sa mga OPD patients na may appointment at may contact number, hintayin ang tawag ng mga doktor sa araw o mas maaga pa sa itinakdang appointment.

Para naman sa OPD patients na may appointment ngunit walang contact number, maaaring tumawag sa OsMak OPD hotline (02) 8882-6316 local 421, 422, at 429.

Samantala, sa mga OPD patients na walang appointment, ay maaaring tumawag sa OPD Registration hotline (02) 8882-6316 local 451.

Gayundin, sa mga walang landline, maaari ring mag-text or tumawag sa mga numerong 09562517000 (GLOBE) at 09310567558 (SUN). (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments