Tagalog News: DTI XII naghatid ng tulong sa President Roxas, North Cotabato

PRESIDENT ROXAS, Lalawigan ng North Cotabato, Abril 25-- Nakatanggap ng P24,000 kabuuang halaga ng livelihood starter kits, at television set at desktop computer ang Barangay Alegria dito sa bayan.

Ang nasabing livelihood kits at mga kagamitan ay ipinamahagi noong Huwebes ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang suporta sa Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños- Lokal Serbisyo Caravan (NAC-LSC) ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato.

Sinabi ni DTI-XII Regional Director Jude Constantine Jaugan na suportado ng kanilang ahensya ang implementasyon ng serbisyo caravan sa mga barangay na apektado ng insurhensiya sa probinsya.

Inilahad din ni Jaugan na tumatanggap ang DTI-XII ng mga aplikanteng nais mag-avail ng kanilang programa kagaya ng Negosyo Serbisyo sa Barangay Livelihood Seeding Program (NSBLSP) kung saan nagbibigay ang DTI ng livelihood starter kits sa mga nais magsimula ng maliit na negosyo sa mga barangay kung saan nakatutok ang programa ng gobyerno sa pagwawakas ng insurhensya.

Dagdag pa ng opisyal, mayroon din silang libreng skills training at seminars sa mga indibidwal na nais mag-umpisa ng maliit na negosyo.

Maliban sa DTI-XII, ilan pang mga ahensya ng pamahalaan ang nakiisa at naghatid ng ayuda sa mamamayan ng Barangay Alegria.

Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Governor Nancy Catamco sa mga nakiisang ahensya maging si Alegria Barangay Captain Jerry Jauod sa mga natanggap na tulong at sa P20 milyon pondo para sa pagpapatupad ng proyekto sa kanilang barangay. (IDCD-PGO)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments