Tagalog News: DOH, FDA pansamantalang sinuspinde ang AstraZeneca vaccine sa may edad 59 pababa

PIA NCR file photo

LUNGSOD QUEZON, Abril 10 (PIA) -- Pansamantalang sinuspinde ang pagbabakuna ng AstraZeneca vaccines sa mga may edad na mas mababa sa 60 taong gulang bilang precautionary measure sa mga ulat na RARE cases ng blood clots sa mga may low platelets.

Nilinaw ng DOH na wala pang naulat ng nasabing kaso sa Pilipinas. Ang libreng pagbabakuna kontra COVID-19 ay tuluy-tuloy pa rin.

“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine. While we have not seen such incidents in the country, the FDA has recommended to temporarily suspend the use of the vaccine for persons below 60 years old as we await results of the review being done by our local experts, as well as the official guidance of the WHO,” sabi ni FDA Director General Rolando Enrique Domingo.

Siniguro ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na matinding pagsusuri ang ginagawa ng mga eksperto upang makabuo ng naaangkop na rekomendasyon sa paggamit ng bakuna.

Sa ngayon ay wala pang natatanggap na local reports ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC)  kaugnay sa side effect na blood clots with low platelets na Nakita sa ilang indibidwal na nabakunahan ng AstraZeneca vaccine.

Gayunpaman, patuloy ang monitoring ng DOH at FDA  sa vaccine rollout para matukoy at mapamahalaan ang anumang posibleng adverse events.

“I want to emphasize that this temporary suspension DOES NOT MEAN that the vaccine is unsafe or ineffective—it just means that we are taking precautionary measures to ensure the safety of every Filipino. We continue to underscore that the benefits of vaccination continue to outweigh the risks and we urge everyone to get vaccinated when it's their turn,” sabi ni FDA Director General Domingo.

Inulit ng National Task Force Against COVID-19 at DOH na LIGTAS at LIBRE ang pagbabakuna. Hinihikayat sin ang mga senior citizen at persons with comorbidities na magpabakuna sa kani-kanilang LGU upang makakuha ng proteksyon na dala ng mga bakuna kontra COVID-19. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments