Tagalog Feature: Driver ka ba na gusto ng dagdag na kita ngayong ECQ? Basahin mo ito

Ikaw ba ay driver na gusto ng dagdag kita at nahihirapan bumiyahe dahil nabawasan ang kapasidad nang maaari mong isakay ngayong enhanced community quarantine (ECQ)?

Sign na ito na sumali na sa Service Contracting Progam ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) at magkaroon ng KARAGDAGANG KITA sa gitna ng pandemya!

Pumunta lamang sa link na ito: www.servicecontracting.ph at magrehistro na!

Upang makapagrehistro sa programa, kailangan panuorin muna ang video orientation para malaman kung ano ang Service Contracting Program.

Pagkatapos magrehistro sa aming website, kailangan magpasa ang driver ng kaniyang requirements upang tuluyang makasali sa programa. Abangan lamang ang aming anunsyo sa mga susunod na araw kung kailan puwede na magpasa ng requirements sa aming tanggapan!

Para sa gabay sa pag rehistro sa programa, panuorin ang video na ito: www.bit.ly/SCInfomercialVideo.

Para sa mga requirements basahin sa link na ito: www.bit.ly/LTFRBSCManual.

Para naman sa mga interesadong driver mula sa ibang rehiyon, maaari makipag-ugnayan sa inyong LTFRB Regional Franchising and Regulatory Offices (RFRO) para makasali sa Service Contracting Program.

Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments