Tagalog News: Rebooking fee inilibre na sa mga turista sa loob ng NCR Plus Bubble

PASIG CITY, March 26 (PIA) -- Maaari nang mag-rebook ng walang babayarang rebooking fee ang mga turista na nasa loob ng National Capital Region (NCR) at apat na karatig lalawigan o NCR Plus Bubble para sa pinlanong bakasyon ngayong Mahal na Araw, ayon sa Department of Tourism nitong Huwebes.

Ayon kay DOT Undersecretary Benito Bengzon, Jr. sa Laging Handa Public Briefing, pinapayagan din ang staycation na may age restrictions sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal.

Bawal ang staycation sa mga edad 15 pababa at 65 pataas, dahil sa umiiral na COVID-19 health protocol.

Gayunpaman, nanawagan si Usec. Bengzon sa mga mag staycation ngayong bakasyon na sumunod sa mga guidelines. 

Ipinaliwanag ng opisyal na habang pinayagan ang staycation sa NCR plus bubble areas, ay kailangan pa ring sumunod sa mga itinakdang health and safety protocols.

Ang pinaka pakay natin dito ay balansehin ang health and safety guidelines on one end. Sa kabilang banda naman, matulungan pa rin natin itong mga enterprises natin magkaroon ng kaunting revenue kahit papaano,” aniya. 

Muli ring pinaalalahanan ni Bengzon ang mga mag staycation na sundin ang mga guidelines.

Lagi naming reminder dun sa mga mag staycation, sundin nyo lang po maigi yung mga guidelines para makatulong din tayo dito sa pagpapatupad ng mga protocols in the different sub-sectors of terrorism,” dagdag pa nito. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments