Tagalog News: Pasig City, nag-donate ng patrol cars sa city police

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pag-turnover ng mga bagong patrol cars para sa Pasig PNP. Ayon kay Mayor Vico, makatutulong ang mga bagong sasakyan sa pagpapanitili ng kaayusan sa lungsod maging ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga lansangan. (Photo courtesy of Mayor Sotto's Facebook page) 

 

LUNGSOD PASIG, Marso 27 (PIA) -- Nag-donate ang Pasig City Government ng 30 patrol cars para sa kapulisan ng lungsod.

Nitong Biyernes, ibinalita ni Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook page ang pamamahagi ng mga patrol cars para sa Pasig police.

Aniya, ang mga bagong sasakyan ay makatutulong sa mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod, maging sa mas mabilis na mobilisasyon at pagpapatupad ng mga health protocols ngayong panahon ng pandemya.

Makakatulong ito sa pagpapanatili ng kaayusan, at pati sa pagpapatupad ng mga health protocols sa ating mga lansangan. Sedan-type, para kasya sa mga eskenita,” ani Sotto.

Samantala, patuloy rin pagbibigay paalala ni Mayor Sotto sa mga taga lungsod na mag ingat at sumunod sa mga health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments