Tagalog News: Parañaque nagtala ng mahigit 800 COVID-19 active infection sa loob ng isang araw

PIA NCR file

LUNGSOD PARAÑAQUE, Marso 21 (PIA) -- Muling pinag-iingat ng Parañaque City Government ang publiko na sumunod sa minimum health protocol matapos makapagtala ang lungsod ng mahigit 800 na mga bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado.

"As of today, March 20, 2021, the total number of Active Cases in the City of Parañaque is 831 (7.7 percent) including no address/unknown barangay and 108 new cases," ayon kay Mayor Edwin Olivarez sa kanyang Facebook post kahapon.

Dahil sa pinakabagong bilang ng impeksyon, ani Mayor Edwin, umakyat na sa halos 11,000 ang kabuuang kaso sa lungsod nang magsimula ng naturang pandemya.

"Total confirmed cases is now 10,772, while recovered patients are 9,681 (89.9 percent) and deaths have a total number of 260 (2.4 percent). According to the Department of Health (DOH), Parañaque City Health Office and Parañaque City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU)," ani Olivarez.

Sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan, ang mga sumusuod na barangay ang nagkaroon ng COVID-19 active case:

Baclaran - 78
Don Galo - 9
La huerta - 23
San Dionisio - 95
San Isidro - 99
Sto Niño - 36
Tambo - 72
Vitalez - 24
BF Homes - 85
Don Bosco - 69
Marcelo Green - 25
Merville - 28
Moonwalk - 29
San Antonio - 79
San Martin De Porres - 24
Sun Valley - 55
Unknown barangay - 1

Muli namang pinapaalalahanan ni Olivarez ang publiko na sundin ang payo ng gobyerno sa ilalim ng "General Community Quarantine" at manatili lamang sa kani-kanilang tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas at sundin ang mga guidelines na ipinapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkahawa at pagka-expose sa COVID-19.

Maiging magsuot ng face mask at face shield, at palagiang maghugas ng kamay kapag lalabas ng bahay, gayundin ang pagtalima sa physical distancing. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments