Tagalog News: Pagbabakuna sa iba’t-ibang probinsya sa Caraga region, patuloy sa pag-arangkada

LUNGSOD NG BUTUAN, Marso 27 -- Patuloy pa ring isinasagawa ang pagbabakuna sa iba’t-ibang probinsya ng Caraga region sa pangunguna ng Department of Health (DOH).

Nitong Marso 23, may kabuuang 1,759 vaccination sites na sa Caraga ang nagsasagawa ng COVID-19 vaccination para sa mga health care workers at frontliners.

Tinatayang nasa 57,364 katao na kabilang sa Priority A1 ang eligible o pumasa at nasa master list.

Ang 6,045 ay sa Butuan City; 6,270 sa Agusan del Norte; 13,647 sa Agusan del Sur; 11,130 sa Surigao del Norte; 17,638 sa Surigao del Sur; at 2,634 naman sa Province of Dinagat Islands.

Nasa kabuuang 10,711 ang nabakunahan na sa rehiyon sa first dose at may 496 naman ang napagpaliban muna na mabakunahan dahil sa kanilang medical and health concerns.

Ayon kay Dr. Ernesto Pareja, chief local health support ng DOH-Caraga, as of March 24, nasa 91.32 percent na ang nabakunahan ng Sinovac at 44.80 percent sa Astra Zeneca vaccines sa buong rehiyon.

Samantala, bagamat accessible na ang mga bakuna, payo pa rin ng kagawaran sa publiko, huwag magkumpyansa. Panatilihin ang pagsuot ng face mask at face shield, sundin ang patakaran ukol sa physical distancing, at magsanitize ng mainam at madalas. (JPG/PIA-Caraga)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments