Tagalog News: NCR hog dealers tinulungang makakuha ng suplay ng baboy mula sa Gitnang Luzon

PIA file photo

LUNGSOD QUEZON, Marso 25 (PIA) -- Tinulungang makakuha ng suplay ng baboy ang ilang hog dealers ng Metro Manila mula sa rehiyon ng Gitnang Luzon upang maabatan ang kakulangan sa suplay ng karne, ayon sa Kagawaran ng Pagsasaka kahapon.

Ayon sa datos ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), nasa 380 heads ng baboy na umabot sa 37,620 kgs at may halagang P8,364,479 ang nai-suplay sa Metro Manila. Ito ay naibenta sa Quezon City, Novaliches, at Blumentrit.

Nito lamang ika-14 hanggang ika-27 ng Marso, natulungan ng AMAD ang dalawang hog dealers mula sa National Capital Region na sina Sherlyn Francisco at Milagros Conception na maiugnay sa Charoen Pokphand Foods Philippines (CPF), ito ay isang supplier ng baboy na mula sa General Tinio, Nueva Ecija at Mayantoc, Tarlac na kabilang sa Agriculture and Fisheries Corporation ng ating bansa. 

Isa sa mga layunin ng Market Linkage na masigurado ang sapat na suplay ng baboy sa Metro Manila.

Layunin din nitong makatulong sa mga hog dealers sa pagtugon sa Executive Order 124 na ipinalabas ni President Rodrigo Roa Duterte noong ika-1 ng Pebrero.

Sa ilalim nito ay itinakda ang presyo sa kada kilo ng pigue/kasim na may halagang Php270, habang ang liempo naman ay Php300 kada kilo. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments