Tagalog News: MMDA, hinikayat ang publiko na manatili sa mga tahanan ngayong ECQ

The empty Nagtahan flyover in Sampaloc, Manila during a hard lockdown to arrest the spread of COVID-19. (Philippine News Agency photo)

LUNGSOD PASIG, Marso 29 (PIA) -- Hinihikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na kung maaari, ay manatili sa mga tahanan ngayong buong linggo kung saan muling isinailalim ang Metro Manila sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) upang maapula ang sumusipang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Nanawagan ang MMDA sa lahat na sundin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng pamahalaan at manatili sa loob ng bahay kung hindi importante ang paglabas. 

Gayundin, palagiang sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at pag-obserba ng physical distancing.

Ang Metro Manila, kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay muling isinailalim sa ECQ simula ngayong araw, ika-19 ng Marso hanggang sa Linggo, ika-4 ng Abril, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagaman mas pinahugpit na ECQ ang ipatutupad, may ilang pagbabago rito, gaya ng sumusunod: 

  • Pagpayag na mag-operate ang mga pampublikong sasakyan, alinsunod sa mga patakaran ng Department of Transportation 
  • Construction projects, alinsunod sa mga patakaran ng Department of Public Works and Highways 
  • Curfew na alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga para sa mga apektadong lugar, maliban sa mga tsuper, Authorized Persons Outside Residence, mga manggagawa at cargo vehicle drivers 
  • Gaya ng dati, bubuksan ang mga mall, pero limitado lang ang operasyon nito para sa mga "essential store" gaya ng supermarket at mga botika. 

Lilimitahan lang din ang kapasidad ng ilang workplace. Limitado na rin sa delivery at take-out ang mga kainan. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments