Tagalog News: Mga aktibidad sa Semana Santa, suspendido sa Muntinlupa

LUNGSOD QUEZON, Marso 23 -- Sinuspinde ng Muntinlupa City Government ang mga aktibidad kaugnay sa paggunita ng Semana Santa maliban sa pagdaos ng misa sa lungsod. 

Ito ay isa sa mga hakbang na isinagawa ng lungsod upang mapigilan ang COVID-19 transmission sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 infections sa Metro Manila.

As of March 19, ang nasabing lungsod ay may 6,117 confirmed cases with 5,598 recoveries, 339 active cases, 180 reported deaths, 97 suspect cases, at 522 probable cases.

Sa inilabas na executive order no. 8 s. 2021, suspendido ang Holy Week-related activities gaya ng:

  • Pagbasbas ng palaspas sa Palm Sunday lalo na sa mga lugar na lalampas sa kapasidad na pinapayagan ng regulasyon
  • Pabasa sa simbahan or pribadong kabahayan
  • Senakulo or anumang similar na aktibidad
  • Washing of the Feet sa Evening Mass ng Maundy Thursday; dapat ay ceremonial lamang at walang kalahok; 
  • Visita Iglesia;
  • Stations of the Cross, maaaring idaos ng virtual; 
  • Alay Lakad, tradisyunal na physical march o walk of devotees papuntang Santo Sepulcro sa Barangay Landayan. City of San Pedro;
  • Penitencia
  • Prusisyon at motorcades
  • Salubong

Ang mga simbahan ay inuutusang ipagpatuloy ang kani-kanilang disinfection, at mag pasa ng schedule of activities para sa holy week at easter sunday para sa maayos na monitoring. Ang mga misa ay maaaring ipagpatuloy at dapat panatilihin ang 30 percent seating capacity lamang.

Inuulit ng pamahalaang lokal na paggamit ng StaySafe.PH contact tracing system sa mga simbahan. Umaapela si Mayor Jaime Fresnedi sa mga residente na makipagtulungan at sumunod sa minimum health measures. 

Paalala ni Mayor Fresnedi sa publiko na huwag magpakampante sa gitna ng tumataas na mga kaso sa lungsod. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments