Tagalog News: Marikina LGU, magsasagawa ng disinfection sa mga pamilihan

Kuha ng Marikina PIO 

LUNGSOD PASIG, March 20 (PIA) – Magsasagawa ng disinfection activity ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa mga pamilihan nito simula sa susunod na linggo.

Ayon sa pamahalaang lungsod, isang epektibong paraan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 virus ay ang pansamantalang pagsasara upang i-disinfect o i-sanitize ang mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga tao gaya ng mga pamilihan at palengke.

Sa darating na mga araw, pansamantalang isasara at idi-disinfect ang mga pamilihan at palengke sa Marikina ayon sa mga sumusunod na schedule:

  • Marikina Public Market at palengke/pamilihang, Brgy. Sta. Elena - March 22, March 29, April 5 & April 12
  • Palengke/pamilihang nasa Brgy. Sto. Niño - March 24, March 31, April 7 & April 14
  • Palengke/pamilihang nasa Brgy. Barangka at Brgy. Tumana - March 23, March 30, April 6 & April 13
  • Palengke/pamilihang nasa Brgy. Nangka, IVC, at Doña Petra (Brgy. Tumana) - March 25, April 8, & April 15
  • Palengke/pamilihang nasa Brgy. Parang at Molave Market - March 26, April 9, & April 16

Samantala, nanawagan rin ang pamahalaang lungsod sa pang-unawa at pakikiisa para sa kapanatagan at kaligtasan ng lahat kontra COVID-19. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments