Tagalog News: Listahan ng sumali sa Service Contracting Program sa NCR, inilabas ng LTFRB

Kuha ng mga public utility driver na nag-register sa Service Contracting Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City Memorial Circle nitong Nobyembre ng nakaraang taon. (Screenshot ng video mula sa LTFRB)

LUNGSOD CALOOCAN, Marso 27 (PIA) -- Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng mga driver na sumali sa Service Contracting Program sa NCR na kailangan makipagugnayan sa ahensya upang makatanggap ng initial payout na P4,000 sa ilalim ng programa.

Pindutin lamang ang link na ito: bit.ly/increqs0324

Kung ikaw ay #TsuperMan na nasa listahan ang pangalan, gawin lamang ang mga sumusunod:

  • Tumawag sa hotlines ng Systems Manager sa 0995 580 8648 (Globe) o 0968 600 1909 (Smart) upang maiayos ang inyong Account Details;
  • Para naman sa mga driver na kailangan magpasa ng requirements, maaari pumunta sa aming tanggapan hanggang ika-31 ng Marso, 2021, 08:00 AM hanggang 05:00 PM sa LTFRB, Door D, Ground Floor, East Avenue, Quezon City.

Para sa dokumentaryong gabay patungkol sa requirements ng Service Contracting Program, i-click lamang ang link na ito: www.bit.ly/LTFRBSCManual

Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga updates patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw.

Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments