Safety officer, itatalaga sa lahat ng pagtitipon sa Quirino

CABARROGUIS, Quirino, March 4 (PIA)—Ipinag-utos ni Gob. Dakila Carlo E. Cua ang paglalagay ng safety protocol officer sa lahat ng mga pagtitipon sa lalawigan upang masigurong masusunod ang mga safety protocol sa pag-iwas sa COVID-19 na itinakda ng Kagawaran ng Kalusugan

“Sa bawat government activity, dapat may nakatalagang health and safety protocol officer para manita at magpaalala sa mga tao hinggil sa pagsunod sa minimum health standards,” ani Gob. Cua,

Hiniling din ni Gob. Cua sa mga punong barangay na magtalaga ng kanilang safety officer sa mga gawaing gaya ng mga pagpupulong, lamay, binyag, kasal, kaarawan at iba pa upang mabantayan ang lahat ng gawain at masunod ang mga health standard.

“We’d like to request from our barangay captains na mayroon din sana silang in-charge for the day na safety officer, kahit mga tanod ang papapuntahin nila para mag-inspect sa mga activities na nagaganap sa lugar nila,” ayon pa sa gobernador.

Dagdag ng gobernador, kailangang makipag-ugnayan ang mga safety officer sa mga Municipal Health Office o sa Provincial Health Office kung may gusto silang linawin  at para  magabayan kung paano ipatupad ang mga alituntunin.

Maging sa mga pampublikong lugar gaya ng mga palengke at iba pa ay malagyan ng safety officers sa pamamagitan ng ng mga punong bayan.

“We will require and request reporting on a weekly basis, every meeting ay magre-report ang ating mga municipal mayor and ABC concerned,” ani Gob. Cua. (MDCT/TCB/PIA 2-Quirino)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments