Mag-ingat sa email, text scam scam -PHLPOST

PASIG CITY, Marso 8 (PIA) – Nagbigay babala ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko na mag-ingat sa kumakalat na email, text, o social media messages na nagsasabing sila ay mayroong parsela o sulat na dapat kunin sa post office na may kaukulang bayad.

Ayon sa PHLPost, kanilang napag-alaman ang tungkol sa mga impostor na ginagamit ang pangalan ng tanggapan para makapangloko sa sinumang mabibiktima ng modus na ito.  

Payo ng PHLPOST sa publiko na alamin kung may tracking o parcel number at beripikahin sa PHLPOST Customer Service sa Tel. No. 8527-0111 at 827-0107, o via Facebook https://www.facebook.com/phlpost.

Dati na rin nagbabala ang PHLPost hinggil sa isa pang modus kung saan nanghihingi ang kawatan ng P599.00 na bayad, sa pamamagitan ng automated teller o money transfer, para umano sa bayad sa tax at iba pang fee, kapalit ng napanalunang iPhone, Samsung Galaxy, smartwatch, o kung anumang gadget.

Sa ngayon, sinabi ng ahensya na wala silang umiiral na online promo sa lahat ng kanilang branch at partner office sa buong bansa.

Bukod dito, nagbabala rin ang PHLPost na huwag basta-basta magbibigay ng personal na impormasyon, lalo na ang anumang financial data, sa pamamagitan ng online o sa text man, lalo na kung hindi pa berepikado nagre-request. (PIA NCR) 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments