Ivermectin hindi nirerekomenda ng DOH  laban sa  COVID-19

LUNGSOD NG QUEZON, Marso 23 (PIA) – Muling idiniin ng Department of Health (DOH) na hindi nila nirerekomenda ang paggamit ng Ivermectin para sa paggamot sa COVID-19.

“Idinidiin po naming hindi inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng Ivermectin para po sa treatment o lunas ng mga pasyenteng may COVID19,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa ginanap na meeting kagabi kasama ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng IATF.

Ayon pa sa kanya, hindi pa napapatunayan na mayroong significant na epekto ang Ivermectin sa pagpapababa ng risk mortality o ang paggaling ng kalagayan ng mga pasyenteng may COVID-19 base sa kasalukuyang mga pag-aaral at mga ebidensiya mula sa mga eksperto.

Ayon sa advisory ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin ay hindi aprubado bilang gamot sa viral infections. Sa kasalukuyan, ang nakarehistro sa FDA na "oral at intravenous" preparations ng Ivermectin ay ginagamit paggamot sa mga hayop laban sa mga 'parasites' at  mapigilan ang pagkakaroon ng "heartworm disease."

Dagdag pa ng FDA, lubhang mapanganib ang paggamit ng gamot ng hayop sa tao. (MACV/PIADDCU)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments