Tagalog News: SPC Mayor Amante mangunguna sa bakuna laban sa COVID-19

LUNGSOD NG SAN PABLO, Laguna, Peb 15 (PIA) --Inihayag kamakailan ni Mayor Loreto Amante na mangunguna siya sa pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19 upang mawala ang pag-aalinlangan ng mga residente kaligtasan at bisa ng bakuna.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Amante bilng tugon sa kahilingan ng pribadong sektor partikular ang Fil-Chinese at SPC Chamber of Commerce sa pangunguna nina G. Ricky Tan at G. Jay Alvero.

Hiniling ng sektor ng pagnenegosyo na pangunahan ng punonglungsod na pangunahan ang pagbabakuna upang makumbinsi ang mga taga-lunsod na magpabakuna sa itatakdang schedule ng pamahalaang lokal.

Naging clamor ng pribadong sektor sa isinagawang multi-sectoral meeting para sa covid vaccination upang patunayan ang safety at efficacy ng nasabing bakuna. Ito rin ay isang paraan upang mawala ang pag-aalinlangan ng mga taga-lunsod.
 
Kaugnay nito, mahigpit ang panawagan ng punonglunsod na lahat ng eligible groups ay magpabakuna upang mapigilan ang mga symptomatic at severe infection at transmission ng virus.

Bago ang pagbabakuna, isasailalim muna sa screening ang health status ng mga magpapabakuna partikular ang mga senior citizens.

Ayon sa punonglunsod ang bakuna ay 100% libre, kaya walang anumang bayad ang hihingin ng pamahalaang lungsod sa mga magnanais na magpabakuna.

Maghintay lamang sa mga susunod na anunsiyo ng City Health Office kaugnay sa isasagawang covid vaccination. (CPG, PIA-4A at ulat mula sa CIO-SPC)
 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments