Tagalog News: DA-BFAR 4A namahagi ng cash & food subsidy sa Rizal; fiberglass boats sa Batangas

LUNGSOD NG CALAMBA, Peb. 23 (PIA) --Namahagi ang Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) 4A ng ayuda sa mga mangingisda sa lalawigan ng Rizal habang 10 units naman ng fiberglass boats na may kasamang aksesorya ang ipinagkaloob sa mga mangingisda sa lalawigan ng Batangas. 

Sa ilalim ng Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolk (CFSMFF) Program, may 175 benepisaryong mangingisda mula sa mga bayan ng Pililla, Jalajala, Binangonan, Taytay, Antipolo, Angongo, Cardona, at Morong ang tumanggap ng ayuda noong Peb. 17, 2021.

Ang ayuda ay kinabibilangan ng mga sumusunod: cash voucher na naglalaman ng P3,000; P2,000 worth of goods; 25 kilong bigas; tatlong (3) manok; at dalawang (2) tray ng itlog. 

Ayon sa DA-BFAR 4A, ang pamamimigay ng ayuda ay bahagi ng kanilang hakbang na patuloy na pagsusulong ng mga programa na naglalayong buhayin muli ang ekonomiya ng bansa at matulungang makabangon ang sektor ng pangisdaan sa kinahaharap na pandemya at mga kalamidad, 

Ang pamimigay ng Cash and Food Subsidy ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng Provincial Fisheries Office-Rizal at mga pamahalaang lokal ng Rizal.

Samantala, sa patuloy na pagsusulong ng programang Bangka Mo, Gawa Mo: F/B Pagbabago Livelihood sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng ating bansa, DA-BFAR 4A ay nagkaloob ng 10 units ng 25-footer fiberglass boats at mga aksesoryang pang-bangka sa mga mangingisda ng Brgy. San Andres at Brgy. Sto. Domingo, Bauan, Batangas noong ika-18 ng Pebrero 2021.

Layunin ng F/B Pagbabago na mai-angat ang kalagayang pang-ekonomiya ng maliliit na hanay ng Pilipinong mangingisda sa paraan ng paggabay sa kanila upang makabuo ng sarili nilang bangka na pangunahing ginagamit sa kanilang pangingisda.

Pinangunahan nina Batangas Congressman, Hon. Raneo E. Abu, kanyang anak na si Dr. Reina D. Abu at BFAR 4A Regional Director, Sammy A. Malvas kaagapay sina Provincial Fisheries Office-Batangas, OIC, Krystine O. Escosura at F/B Pagbabago Rep. John Vincent B. De Mesa ang matagumpay na pamamahagi ng fiberglass boats. (CPG, PIA-4A at ulat mula sa DA-BFAR 4A)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments