Tagalog News: Caraganons positibo sa vaccination program ng gobyerno, information roadshow ng PCOO-PIA ginawa sa Caraga region

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 20 (PIA) -- Positibo ang mga Caraganon sa vaccination program laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) virus.
 
Si Aracely Lagarde, isang senior citizen ay handang tumanggap ng COVID-19 vaccine sa gobyerno dahil makakatulong ito hindi lang para sa kanyang sarili kundi sa kanyang pamilya.
 
“Handa ako na magpabakuna dahil para ito sa aking kabutihan at sa aking pamilya. Nagpapasalamat din ako kay Presidente Rodrigo Duterte dahil nagbigay siya ng libreng bakuna,” ayon kay Lagarde.
 
Sa isinagawang Explain, Explain, Explain: Pagduaw sa Caraga roadshow ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Philippine Information Agency (PIA) kamakailan lang, nagpahiwatig din ng suporta ang iba’t ibang sektor na dumalo.
 
Tiwala si Agusan del Norte Gobernador Dale B. Corvera na marami ang magpapabakuna. Ayon din kay Gob. Corvera, ang pagbisita ng PCOO-PIA sa rehiyon ay siang pagpapakita na mahalaga ang mga Butuanons at Caraganos sa administrasyon Duterte.
 
Ayon din kay Mayor Karissa Fetalvero-Paronia ng Sison, Surigao del Norte, dapat gawin at pangunahan ng mga local government units ang maayos na information dissemination upang maintindihan ng maayos at mawala ang takot at pag-aalinlangan ng publiko.
 
Napakahalaga ng komunikasyon, kaya’t dapat malaman ng publiko ang tama at wastong  impormasyon hingil sa krisis na hinaharap ng bansa, dagdag ni mayor Paronia.
 
Patuloy din ang pagpapalaganap ng laging handa information and communications campaign sa kahalagahan ng gagawing vaccination.
 
Ayon kay PCOO secretary Martin Andanar, patuloy ang PCOO sa pag-implement ng Laging Handa information and communication campaign para ipaabot sa publiko na ang Duterte administration "is on top of the COVID-19 situation."
 
Ang COVID-19 vaccination roadshow ay ginanap sa apat na lugar sa rehiyon, sa Butuan City; Prosperidad, Agusan del sur; Lanuza, Surigao del Sur; at Sison, Surigao del Norte. (NCLM, PIA Caraga)
 

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments