Tagalog News: P124.4M na halaga ng proyekto sa Cotabato Airport sinimulan na

DATU ODIN SINSUAT, Lalawigan ng Maguindanao, Enero 24 --- Inumpisahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad sa proyekto sa Cotabato Airport na pinaglaanan ng P124,392,413 milyong pondo.

Ang Runway Strip Grade Correction Project ay pinangungunahan ng 549th Engineering Construction Battalion ng 54th Engineering Brigade ng Philippine Army. Target na maayos ang runway sa loob ng 450 working days.

Layon nito na maitaas ang kapasidad at kalidad ng serbisyo ng Cotabato Airport sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.

Nabatid na ang pondo sa nasabing proyekto ay nagmula sa General Appropriations Act (GAA) 2018.

Ang Cotabato Airport na matatagpuan sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay pinangangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP. Ito ay sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communication o MOTC ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. (DPAO-6ID)

 

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments