Tagalog News: Groundbreaking para sa itatayong 150-bed capacity LCGH, isinagawa

LUNGSOD NA LUCENA, Quezon, Enero 25 (PIA)--Idinaos ang groundbreaking ceremony para sa itatayong 150 bed capacity Lucena City General Hosptal (LCGH) sa Barangay Mayao Parada noong Enero 15, 2021. 

Ang okason ay pinangunahan nina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kasama sina Cong. David Suarez, Quezon Gov. Danilo Suarez at Lucena City Mayor Roderick Alcala.

Sinabi ni Senador Bong Go na malaking karangalan para sa kanya na maging saksi sa groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng bagong ospital sa lungsod ng Lucena.

Ayon pa sa senador nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong nasa likod ng pagpupursiging maging reyalidad ang ospital lalo na sa mga opisyal ng Quezon at lungsod ng Lucena.

“Isang adbokasiya po namin ni Pangulong Duterte ang pagpapaganda ng mga health care services sa bansa at karapatan ng bawa’t Pilipinong magkaroon ng mabisa at disenteng health care services sa bansa para mabuhay ng malusog at maayos ang ating mga kababayan," sabi pa ng senador

Ayon naman kay Rep. Suarez, labis din ang kanyang pasasalamat sa suporta ni Senator Go sa pagpapatupad ng nasabing proyekto at sa paghahatid ng iba pang mga tulong para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon.

Sa ilalim ng proyekto, tatlong ektaryang lupa ang inilaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon para sa itatayong ospital habang sa pamamagitan ni Quezon 2nd District Rep. naglaan naman ng pondong P140M ang pamahalaang nasyonal.

Inihayag naman ni Gov. Suarez na bahagi ng pagpapalakas ng mga district hospitals sa lalawigan ng Quezon ang pagpapatayo ng ospital sa Lucena upang maiwasan ang pagsisiksikan nga mga pasyente sa Quezon Medical Center.

Kasabay nito, idinaos din ang unveiling ng seawall project sa barangay Talao-Talao at pagkakaloob ng 20 units ng fiberglass boats na may marine engine mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda na dinaluhan din ni Sen. Bong Go. (Ruel M. Orinday, PIA Quezon)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments