Tagalog News: Dating myembro ng NPA, nagbalik-loob sa pamahalaan

Tinatanggap ng dating isang myembro ng New People’s Army (NPA) kay Provincial Administrator Hubbert Christopher A. Dolor ang tseke bilang financial assistance sa mga nagbabalik-loob na rebelde sa pamahalaan.  (Kuhang larawan: OrMin PIO/JJSugay)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 12 (PIA) -- Bunga ng pagpupunyagi ng magkakatuwang na ahensya ng pamahalaang lokal at nasyunal, isang lalaki na dating myembro ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon sa ulat ng Oriental Mindoro Public Information Office (PIO), ang pagbabalik-loob ng dating rebelde ay resulta anila ng malawakang paglulunsad ng Retooled Community Support Program (RCSP) na isinusulong ng pamahalaan.

Tulad ng mga dating rebelde na nagbalik-loob, ang bagong nagbalik-loob kahapon sa normal niyang pamumuhay ay pinagkalooban ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtuwang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng financial assistance na nagkakahalaga ng P65,000.

Ayon pa sa OrMin PIO, sa nabanggit na halaga, P15,000 ang immediate assistance at P50,000 naman na halaga ay livelihood assistance upang maalalayan ito na muling makipamuhay sa lipunan.

Samantala, pinasalamatan  ni Provincial Administrator Dr. Hubbert Christopher A. Dolor si Seventh Day Adventist Coordinator, Adventist World Radio Southern Asia Pacific Division Pastor Robert B. Dulay bilang isa sa mga tumulong sa pagkumbinsi sa naturang returnee na magbalik-loob sa pamahalaan.

Saksi sa pagbibigay ng financial assistance sa rebel returnee ang mga kinatawan mula sa DILG Peace and Order Council Focal person Marixie Kamille Prudencio, 203rd Infantry Brigade Capt. Ronnie Sarmiento, Pastor Robert Dulay ng Seventh Day Adventist at Provincial Social Welfare and Development Officer  Zarah Magboo. (LTC/PIO/PIA-OrMin)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments