Tagalog News: Bulacan, pinaigting ang paglaban sa COVID-19

LUNGSOD NG MALOLOS, Enero 11 (PIA) -- Pinaigting ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang paglaban sa COVID-19.

Sa ginanap na pulong ng Provincial Task Force on COVID-19, pinagtibay ni Gobernador Daniel Fernando ang direktibang paigtingin ng kapulisan ang pagbabantay sa seguridad ng mga Bulakenyo kasama ang 11 tanggapan mula sa kapitolyo upang patuloy na mapababa ang kaso.

Tinalakay din sa pulong ang sitwasyon ng kasalukuyang pandemya at bigyan diin sa publiko na ipagpapatuloy ang seryosong laban sa nasabing sakit.

Si Gobernador Daniel Fernando sa pinakahuling pulong ng Provincial Task Force on COVID-19. (Bulacan PPAO)

Nakahanda rin umano sila upang proteksyunan ang mga hangganan na lalawigan.

Katunayan anya ay may kabuuang 15 na dekalidad na control points sa lahat ng papasok at palabas ng Kalakhang Maynila, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan habang 13 ang Bulacan Shield, dalawa ang nakalaang control points at 12 ang dekalidad na control points sa North Luzon Expressway ang patuloy na ipinatutupad. (CLJD/VFC-PIA 3)

 

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments