Tagalog News: 1,000 college scholars ng LGU Batangas City, tumanggap ng allowance

LUNGSOD NG BATANGAS, Enero 4 (PIA)-Humigit kumulang sa 1,000 benepisaryo ng EBD scholarship program ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang tumanggap ng kanilang allowance sa Batangas City Convention Center noong ika-21 ng Disyembre .
 
Ang mga ito ay kabilang sa kabuuang 3,800 college scholars para sa school year 2020-2021.
 
Sinabi ni Arnold Babasa, Officer-In-Charge sa scholarship program ng lungsod na ang mga scholars ay tinatawagan sa telepono o pinapadalhan ng text message upang masiguro na maiipamahagi ang kanilang allowance bago sumapit ang Kapaskuhan.
 
Ang mga scholars na hindi makakapunta sa itinakdang araw ng pamamahagi ay maaaring magsadya sa tanggapan ng City Treasurers Office by appointment upang maipatupad ang physical distancing.
 
Para sa mga scholars sa junior at senior high school na may ATM ay matatanggap ang kanilang allowance bago magtapos ang taon habang ang walang naman ay sasadyain sa kani-kanilang barangay sa Enero 2021.
 
Tiniyak ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na kahit may kinakaharap ng pandemya, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng edukasyon ng mga kabataang Batangue├▒o sa pamamagitan ng EBD scholarship program na sinimulan ng kanyang amang si dating Mayor Eddie Dimacuha.
 
Magugunita na ipinatupad ng MAC ang online application bilang pagsunod sa health and safety protocols kontra COVID 19.  (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with report from PIO Batangas City)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments