Tagalog News: P6-M pondo, inilaan ng DTI  para sa mga MSMEs sa Aurora

BALER, Aurora, Disyembre 19 (PIA) -- Naglaan ng anim na milyong piso ang Department of Trade and Industry o DTI para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Aurora. 
 
Sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG, una ng nagbigay ngayong Disyembre ng dalawang milyong piso ang ahensya para sa pagbili ng mga negosyo kits na ipapamahagi sa mga MSMEs. 
 
Ayon kay DTI Regional Director Judith Angeles, kinakailangang maabutan ng ayuda mga MSMEs upang matulungan silang magsimula muli matapos masalanta ng bagyo ang kanilang probinsya. 

Department of Trade and Industry Regional Director Judith P. Angeles. (PIA 3 File photo)

Dagdag ni Angeles, ibibigay ang karagdagang apat na milyong piso susunod na taon upang mas marami pang MSMEs mula sa iba’t-ibang bayan ang makakatanggap ng tulong-pangkabuhayan.
 
Sasailalim muna sa isang seminar, aniya, ang mga benepisyaryo bago ang pamimigay ng ayuda upang masiguro na mapapalago nila ang mga negosyo. 
 
Ang PPG ay programa ng DTI na naglalayong matulungan ang mga negosyante na naapektuhan ng sunog, kalamidad at iba pang sakuna. (CLJD/TJBM-PIA 3) 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments