Tagalog News: 280 mangingisda sa Bulacan, tumanggap ng ayuda sa BFAR

LUNGSOD NG MALOLOS, Disyembre 19 (PIA) -- Nagsimula nang magkaloob ng ayuda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa unang 280 na mga mangingisdang Bulakenyo na kapwa naapektuhan ng pandemya at ng nagdaang bagyong Ulysses.
 
Ayon kay BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, ito ang Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolks Program na ang pondo ay mula sa Bayanihan to Recover as One Act.
 
Bawat isang mangingisdang benepisyaryo ay nilaanan ng tig-tatlong libong pisong ayuda na may kasamang 25 kilo ng bigas, 4.25 na kilo ng manok at 50 piraso ng mga itlog.

Nagsimula nang magkaloob ng ayuda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa unang 280 na mga mangingisdang Bulakenyo na kapwa naapektuhan ng pandemya at ng nagdaang bagyong Ulysses. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Patuloy ang ginagawang pagsusuri ng BFAR sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office upang makita kung sinu-sino pang mga mangingsida ang dapat maging benepisyaryo.
 
Tinitiyak din na mga lehitimong mga mangingisda ang mga makikinabang base sa nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture. (CLJD/SFV-PIA 3)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments