Tagalog News: Bayan ng Romblon, isinailalim sa 14-Day MECQ

Isinailalim ang bayan ng Romblon, Romblon noong ika-11 ng Nobyembre sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng munisipyo at ng probinsya. (Larawan mula sa Romblon Municipal Police Station)

ODIONGAN, Romblon, Nob. 15 (PIA) -- Isinailalim ang bayan ng Romblon noong ika-11 ng Nobyembre sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng munisipyo at ng probinsya.

Ito ay dahil sa pagkumpirma ng lokal na pamahalaan na mayroon ng local transmission ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bayan matapos magpositibo ang isang pasyenteng walang history ng travel sa ibang lugar.

Ayon kay Mayor Gerard Montojo, ang MECQ ay magtatagal ng 14 na araw, o hanggang November 24.

Base sa guidelines ng IATF, sa ilalim ng MECQ, istriktong ipatutupad ang home quarantine sa lahat ng bahay at tanging papayagan lamang lumabas ay ang mga kukuha ng mga pagkain at iba pang serbisyo, o di kaya ang mga pinapayagang magtrabaho sa labas ng bahay.

Ang mga batang edad 15 taong gulang, at mga senior citizen na 65 taong gulang pataas ay bawal rin lumabas, gayundin ang mga taong may immunodeficiency, comorbidity, at iba pang health risk at mga buntis.

Ipagbabawal rin muli ang mga mass gatherrings katulad ng community assemblies at lilimitahan sa limang tao ang papayagan sa mga simbahan.

Suspendido rin muli ang mga public transporation sa ilalim ng MECQ. (PJF/PIA-Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments