Pag-iwas ng kabataan sa 'abuse' tampok sa Reading Month special para sa Malabon youth

LUNGSOD CALOOCAN, Nov. 14 (PIA) -- Tampok bukas, Nob. 15, ang storytelling session kung paano makaiiwas ang mga kabataan sa iba't ibang uri ng pang-aabuso, na pangungunahan ng isang book author mula sa Lungsod Malabon.

"Tomorrow, we will be premiering one of Mr. Rivera’s stories “Ang Alamat ng Amplaya” thru storytelling. Maaaring yayain ang inyong mga anak at samahan silang panoorin ito upang agad ninyong masagot kung may mga katanungan sila," paanyaya ni Mayor Len Oreta sa kanyang Facebook Page.

"It tackles sensitive issues sa paraan na maiintindihan ng mga bata upang kahit papaaano ay maiwasan at maging ligtas sila mula sa mga ganitong pangyayari. Tandaan, awareness is also an act of bravery. Abangan bukas ang ating Reading Month special, mga Malabonian!"

Mapapanood ang virtual storytelling sa official Facebook Page ni Mayor "Len Oreta" at para hindi ito ma-miss, siguraduhin lamang na mag-like sa account na nabanggit.

"Sa panahon ngayon, napakaraming bagay ang pinagdadaanan ng bawat indibidwal ng hindi natin nalalaman, kabilang na ang mga kabataan," aniya.

"They may be facing verbal, physical and sexual abuse without us knowing dahil na rin sa tiwala natin sa ating mga kasama sa bahay. Ito ang gustong iparating ng isang #Malabonian Author na si Mr. Augie Rivera sa pamamagitan ng kanyang mga librong pambata," dagdag pa ng alkalde. (PIA NCR)

 

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments