Bilang ng COVID-19 cases sa Valenzuela, bumaba na sa 66 

LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 17 (PIA) -- Patuloy ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa Valenzuela City, ayon sa report ng Radyo Pilipinas 738 kHz ngayong araw.

Sa inilabas na COVID-19 update ng Valenzuela City Health Office City Epidemiology and Surveillance Unit, bumaba na sa 66 ang bilang ng aktibong kaso sa lungsod mula 74 noong nakaraang araw.

Sa kabuuan, 8,019 na ang bilang ng kumpirmadong kaso sa lungsod, 7,705 dito ang gumaling na habang nanatiling 248 naman ang bilang ng nasawi dahil sa virus.

Ngayong araw, pitong residente na COVID-19 survivors ang nakauwi na ng kani-kanilang tahanan matapos mamalagi sa quarantine facility ng lungsod.

Sa isang Facebook post, kasabay ng pagpapasalamat sa mga medical at health frontliners ang pagbibigay pag-asa ng lokal na pamahalaan na kayang labanan ng lungsod ang nakahahawang coronavirus. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments