‘Pasig Pass’ inilunsad upang mapadali ang contact tracing ng lungsod

LUNGSOD PASIG, Okt. 14 (PIA) – Inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Pasig Health Monitor – isang kumpletong health information at monitoring system ng lungsod kung saan kabahagi nito ang ‘Pasig Pass’ o ang contact tracing ng lungsod. 

Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng ‘Pasig Pass’ na mas mapadali at mapaigting ang contact tracing o ang pagtukoy ng mga close contact ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ito ay quick reference o QR code-based para maging contactless at centralized ang contact tracing system ng lungsod. Bukod pa rito, masisiguro rin na protektado ang data privacy ng mga mamamayan dahil hindi basta-basta mababasa ang Pasig Pass QR code ng mga ordinaryong QR code scanners.

Ang Pasig Pass ay isa sa mga components ng Pasig Health Monitor, ang health monitoring system ng lungsod na ginawa upang mapabilis at mapahusay pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga Pasigueño.

Para makapag-register, magpunta lamang sa https://ift.tt/30M9XY9. (Pasig PIO/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments