MMDA, nakatanggap ng donasyong face shields mula sa Club Mazda PH

PASIG, Okt. 11 (PIA) – Malugod na tinanggap kamakailan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga donasyong face shields mula sa Club Mazda PH.

Pinasalamatan ni MMDA Chair Danilo Lim ang Club Mazda PH sa pagbibigay suporta at tulong ng grupo.

Ayon kay Chair Lim, malaking tulong ang mga face shields para sa proteksyon ng mga kawani ng ahensya habang patuloy na nagpapatupad ng mga mandato ng MMDA sa kabila ng banta ng pandemya. (MMDA/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments